Ingredients:
Ampalaya (no choice ka, eto lang ulam)
ITLOG (syempre, pabida din!)
Seasoning (eto lang ang pag asa mo.. Magic Sarap, Ginisa Mix. etc..)
Kamatis
Mantika
Procedure:
- Hiwaan ang Ampalaya at kamatis (syempre. try mo buo ilagay. ay?). TIP: ibabad ang ampalaya sa tubig na may asin ng mga 20-30 mins para hindi masyadong mapait. Kaso, gutom na talaga ko kaya isang minuto ko lang binabad >;)
- Painitan ang Kawali at lagyan ng mantika. Pagkatapos, igisa ang kamatis. Tapos, ilagay na ang ampalaya (kahet ayaw mo, ilagay mo parin).
- Haluin ng haluin hanggang sa lumambot. Tapos, ilagay ang itlog at ang seasoning. Tikman (pinaka masarap na parte).
- Haluin hanggang maluto. Siguro, mga 15 to 20 mins lang ang pagluluto simula nung nilagay ang ampalaya..hmm. ENJOY! :)
Huwag kana magreklamo. Masustansya naman yan. Choosy kapa?
Credits: Baching. (tropa kong ninja. Ü)
0 comments:
Post a Comment