Eh bakit nga ba? Para sa ilan, sosi daw kapag nag iingles.. Kumbaga, isa kang major major sa mata ng ilang sawing palad na makabuo ng isang pangungusap na may tamang grammar. Kaya nga ang iba, hala. sige! Kahet maging anemic na sa kaka ingles, go parin. Bongga nga naman eno? (Nandiyan naman kase ang Red Cross para sa pag nonosebleed). Katulad na lamang ng gumagawa ng mga pirated na DVD ng mga teleseryeng galing ibang bansa. Halimbawa na lamang ng sa Korea. Ang mga pinoy, mahilig sa palabas ng mga koreano. Kaya pag may bagong teleserye sila at nagustuhan ng pinoy, nagiging milyonaryo ang mga Pirata. Syempre, excited sa ending eh! Kumbaga, yung teleseryeng tatagal ng tatlong buwan, katumbas lang ng tatlong araw kung may tropa kang pirata. At syempre, pag nabili na, eto na! nakasalang agad sa naghihingalo ng dvd player.
At pag napanood mo na, sigurarong mapapaisip ka kung tama nga ba talaga yung tinuturo ng titser mo sa English. The best kase ang subtitles eh! Meron pa nga don, nasa eksenang iibigay lang ng lalake yung wallet ng babae, ang subtitle pala non sa english ay "cannibalism dog eat the balcony". (eto naman ako, hinahanap yung asong yun sa eksena nila).

Hmm..Siguro swerte ka na kung mabibili mong dvd ay may tamang spelling ng title ng palabas na iyon. At kung sakaling wala kang mahanap, mag isip isip kana. Isipin mo na kung paano mo itatanong sa English Teacher mo kung tama ba yung tinuturo nya. Ikaw na ang bahala.. (Isipin mo narin kung paano mo mapapakaen sa aso mo ang balkonahe niyo).
0 comments:
Post a Comment