Ano nga ba ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bata noon at ngayon? Kung iisa isahin natin ang bawat pagkakaiba, nako! siguradong aabutin tayo ng siyam siyam. Baka, uugod ugod nako, di paren ako matatapos sa pagsusuri at pagbibilang ng pagkaka iba ng noon at ngayon. Pero, sa natatandaan ko nung kapanahunan ko (hmm! di pa naman ako ganon katanda. isipin mo na lang na nabuhay ako sa panahong usong uso ang tira-tira candy na nabibili ko sa tindahan ng piso isa) mahilig akong humingi sa nanay ko ng piso para maipambili ng paborito kong champola. Mas masaya pa ko kung yung malaking piso ang ibibigay sakin ng nanay ko. Pakiramdam ko kase noon, sikat ako sa mga kalaro ko kapag malaki yung piso ko. hmm.. kung sa panahon naman ng mga bata ngayon tayo babase, aba. sosyal! kung dati, champola ang uso, ngayon may SUMO WAFER STICK ng mabibili sa tindahan ng limang piso at kung mamalasin ka sa tindahang napuntahan mo, ibebenta sayo ng siyete pesos.
Pati yung chocobot na hugis oblong (paborito ata yun
ng kuya ko?) noon, wala na. Sikat na ngayon, yung HANY na chocoloate na palaging pinapakyaw ng lola ng kapitbahay namin sa tindahan namin (siguro hany nga talaga ang may kasalanan kung bakit sya nag ka -diabetis). Hindi lang yan, sa pagkakatanda ko pa, hindi ako papayagang paglaruin ng nanay ko sa labas ng bahay namin kung hindi ako matutulog ng tanghali o kaya naman, kung hindi ako papayag na magpalisa sa kanya (ano bang masarap sa pagkuha ng lisa at kuto?). Pagkatapos ng lahat ng seremonyas, aba. eto na ako. dali daling lalabas ng bahay namin upang maglaro. Excited e. Madalas naming nilalaro ay tumbang preso. Yung may lata tas babantayan ng kung sinong taya sa amin at pag napatumba mo yung lata sa pamamagitan ng pagbato ng tsinelas mo, sikat ka na, hahabulin ka pa ng taya. hindi lang yan, pag uwi mo sa bahay nyo ay nanay mo naman ang hahabol sayo dahil madumi na naman ang paa mo. Pero kung noon, padumihan ng laro, ngayon naman pa bonggahan. Nandiyan na ang mga computer para sa mga murahan ng mga bata dahil sa kakalaro ng dota. Minsan nga ayun na ang nagiging tugtog sa loob ng mga computer shop. ROCK EN ROLL BA!! Sa mga batang babae naman, nariyan ang mga manikang sanggol na ngangawa pag di mo sinubuan ng laruang kutsara. O diba? bongga!
Madami na talagang naiimbentong mga pakulong laruan sa mga bata ngayon. Ayun nga lang, luhaan ang mga magulang dahil sa nabubutas na bulsa kakabili ng mga bagong labas na laruan.. Pero kung iispin, saang panahon nga ba mas masarap maging bata? sa panahong lilisaan ka muna ng nanay mo bago ka makapaglaro sa kalsada o sa panahong makikipagratratan kang makipagmurahan sa mga kalaro mo dahil nilulusob na ang base mo sa dota? anong panahon nga ba ang mas pipiliin mo? NOON o NGAYON?
2 comments:
nice! haha nao im starting to reminisce my childhood life :> mas masarap mabuhay noon. but there is nothing we can do. di naman tayo nabubuhay ng pa backward eh xD nakalimutan mo yung NUTRIBUN FTW! great work! :)
ah! yung nutribun? hmm.. ilang beses na yun binabanggit ng mga nanay ng tropa kong ninja, kaso hindi ko na talaga matandaan ang itsura at lasa.. dahil narin siguro, kuripot ang nanay ko at sya na ang gumagawa ng baon kong pandesal noon sa skul. kaya madalang lang siguro ako makatikim non. haha.. hmm. By the way, thanks! ;)
Post a Comment