Sunday, April 10, 2011

Bakit nga ba adik ang kuya ko sa Pancit Canton??

Ang mga pinoy, mahilig sa pagkaen. Halo's maya't maya hindi nawawalan ng pagkaen. At hindi mawawala ang PABORITO. Tuwing umaga, gawain ng kuya ko pag gising ay mag hello sa computer nya at tignan kung pwede na bang iharvest ang mga alagang tanim nya sa farmville na hindi ko malaman kung pwede nya ba yung gawing pinakbet pagkatapos nyang iharvest. At pagkatapos nyang bisitahin ang mga alaga nyang tanim titignan nya kung gising nako. ewan ko kung excited syang makita ako sa umaga o excited syang kumain ng pancit canton (ako kase lagi nyang inuutusang magluto ng paborito nyang pancit canton).

Pero, minsan talaga napapaisip ako kung ano nga bang meron sa pancit canton at bakit paboritong paborito yun ng kuya ko. Dahil ba ginagaya nya si Luis Manzano sa commercial nila ng tatay nyang si Edu na pancit canton lang ang kayang magpabangon at mag light up sa umaga nya? o Sadyang may nilalagay lang na Magic ang imbentor non para akitin ang kuya ko na kumain non. At sa sobrang adik nya sa pancit canton, sinabi nya sakeng gawin ko daw tong topic para sa blog kong to. Ayun nga lang, Hindi nya alam na siya ang bida dito (mwahahaha). hmm.



PS. hindi ko to kuya. MALABO.
wala naman kasi siyang stock ng Pancit Canton sa cabinet
dahil diretso kuha na lang sa tindahan namin..
Sya na nga lang din umuubos ng tindang pancit canton sa tindahan namin (ayun kaya ang dahilan kaya nalulugi kami?) at minsan nga ako na yung nagsasawa para sa kanya. Halos expert na nga ko sa pagluluto ng paborito nyang pancit canton. Expert sa kaka over cooked! Palagi ko kaseng nakaka limutan na may nakasalang pala ako. Pero, kahet ano pa mang mangyari sa Pancit Canton nya, hala. sige. OKS PA RIN! kaen pa rin. Pero kung iisipin, hindi naman talaga healthy yung mga pagkaing tulad ng paborito ng kuya ko. Baka nga mas healthy pa yung hinaharvest nya sa farmville. Madami kaseng preservatives na nilalagay sa mga ganyang pagkain. Sabi nga ng tropa kong wikipedia, nasa kategorya daw to ng "unhealthy or junk food". Madami kasing nilalagay sa mga ganyang pagkaen na monosodium glutamate o mas kilala na MSG (wow. niresearch ko pa talaga eno?). Hmm. Pero siguro nga, nakasanayan na talaga ng ilan ang mga ganitong klase ng pagkaen. Doon sila masaya eh. Bahala na siguro ang bituka nilang mag adjust. Basta alam nila, masarap yon. the best eh!


mm.. Hindi ko sinulat ang blog na to para pigilin ang mga taong tulad ng kuya ko na kumain ng pancit canton dahil baka idemanda ako ng Lucky Me at pagbayarin ako ng malaki kapag nabasa nila tong blog ko.. hindi rin kita binabalaan sa kung anong pwedeng maging epekto nito sa kalusugan mo. siguro, sindakin at takutin pwede pa.. bahala kana.. wala din naman akong pake dahil napag utusan lang ako ng kuya ko.. siguro, goodluck na lang.. hindi para sayo, kundi para sa kawawang bituka mo.. itnok! [>;)]

1 comments:

ArAr said...

masarap kasi ang pancit canton...

Post a Comment

 
Copyright 2011 ITNOK!. Powered by Blogger
Blogger Templates created by Deluxe Templates | Pedestrian Crossing