Saturday, April 23, 2011

13 kUTOS ng Estudyante

  1. Ibigin mo ang guro ng higit sa lahat.
  2. Huwag susundin ang sinumang guro na nagbibigay ng mababang marka. Yung may "plus" lang.
  3. Huwag kang sumipsip sa iyong guro. Dahan dahan lang. Baka mabulunan ka!

Monday, April 18, 2011

Bidang Ampalaya..

Paano nga ba ang tama at masarap na luto sa AMPALAYA? hmm.. Hindi ako masyadong mahilig sa ampalaya. syempre kase mapait! Pero ayun ang naisipan kong iluto.. Hindi dahil sa nag eenjoy nako kumain non. Kundi, ayun na lang ang laman ng Refrigerator namin at no choice na talaga ko dahil gutom nako. Nang makita ko ang ampalaya, hmp! Napakamot talaga ko. Pero, ano nga bang luto gagawin ko dito? hmm.

Heyni? (Eksenang Tindahan.. True Story.2)

Ako vs. Batang Maarte.. (SLENG aka SLANG)

BM: may sunsulk kayo? (* pa sleng...)
Ako: Meron.
BM: isa nga.. tsaka isa ngang Heyni.
Ako: ano?


Magkano? (Eksenang Tindahan.. TrueStory.1)

eksena sa tindahan..

lolo: pabili ng ulam. yung nasa lata lang..
ako: (tingin sa taas..) alin po dito?
lolo: ano ba meron dyan? yung may kamatis meron ba?
ako: (napaisip.. tingin ulit sa taas. nakita ko yung sardinas. may drawing ng kamatis.. haha) eto po..

Bakit Nakakabobo mag English?

Eh bakit nga ba? Para sa ilan, sosi daw kapag nag iingles.. Kumbaga, isa kang major major sa mata ng ilang sawing palad na makabuo ng isang pangungusap na may tamang grammar. Kaya nga ang iba, hala. sige! Kahet maging anemic na sa kaka ingles, go parin. Bongga nga naman eno? (Nandiyan naman kase ang Red Cross para sa pag nonosebleed). Katulad na lamang ng gumagawa ng mga pirated na DVD ng mga teleseryeng galing ibang bansa. Halimbawa na lamang ng sa Korea. Ang mga pinoy, mahilig sa palabas ng mga koreano. Kaya pag may bagong teleserye sila at nagustuhan ng pinoy, nagiging milyonaryo ang mga Pirata. Syempre, excited sa ending eh! Kumbaga, yung teleseryeng tatagal ng tatlong buwan, katumbas lang ng tatlong araw kung may tropa kang pirata. At syempre, pag nabili na, eto na! nakasalang agad sa naghihingalo ng dvd player.

Sunday, April 10, 2011

Saang Panahon Ka?

Ano nga ba ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bata noon at ngayon? Kung iisa isahin natin ang bawat pagkakaiba, nako! siguradong aabutin tayo ng siyam siyam. Baka, uugod ugod nako, di paren ako matatapos sa pagsusuri at pagbibilang ng pagkaka iba ng noon at ngayon. Pero, sa natatandaan ko nung kapanahunan ko (hmm! di pa naman ako ganon katanda. isipin mo na lang na nabuhay ako sa panahong usong uso ang tira-tira candy na nabibili ko sa tindahan ng piso isa) mahilig akong humingi sa nanay ko ng piso para maipambili ng paborito kong champola. Mas masaya pa ko kung yung malaking piso ang ibibigay sakin ng nanay ko. Pakiramdam ko kase noon, sikat ako sa mga kalaro ko kapag malaki yung piso ko. hmm.. kung sa panahon naman ng mga bata ngayon tayo babase, aba. sosyal! kung dati, champola ang uso, ngayon may SUMO WAFER STICK ng mabibili sa tindahan ng limang piso at kung mamalasin ka sa tindahang napuntahan mo, ibebenta sayo ng siyete pesos.

Bakit nga ba adik ang kuya ko sa Pancit Canton??

Ang mga pinoy, mahilig sa pagkaen. Halo's maya't maya hindi nawawalan ng pagkaen. At hindi mawawala ang PABORITO. Tuwing umaga, gawain ng kuya ko pag gising ay mag hello sa computer nya at tignan kung pwede na bang iharvest ang mga alagang tanim nya sa farmville na hindi ko malaman kung pwede nya ba yung gawing pinakbet pagkatapos nyang iharvest. At pagkatapos nyang bisitahin ang mga alaga nyang tanim titignan nya kung gising nako. ewan ko kung excited syang makita ako sa umaga o excited syang kumain ng pancit canton (ako kase lagi nyang inuutusang magluto ng paborito nyang pancit canton).

 
Copyright 2011 ITNOK!. Powered by Blogger
Blogger Templates created by Deluxe Templates | Pedestrian Crossing